Isang ama sa St. Louis, naligtas ang kanyang anak na babae mula sa mga armed gunmen!

2015-04-14 10

Isang ama sa St. Louis, naligtas ang kanyang anak na babae mula sa mga lalaking may baril!

Alas onse ng gabi noong Lunes, isang 17-year-old na babae ang nasa labas ng kanyang bahay, kumukuha ng gamit mula sa kanyang kotse, nang nilapitan siya ng dalawang lalaking nakasuot ng ski mask at may hawak na baril.

Ginamit nila bilang human shield ang babae, at pinilit itong bumalik sa loob ng bahay.

Nakita ng magulang ng babae ang kanilang anak, na naglalakad sa harapan ng mga gunman, at mabilis na kinuha ng ama ng babae ang sarili niyang baril.

Nagpaputok ng baril ang ama, na natamaan at napatay ang 31-year-old na si Terrell Johnson. Ang pangalawang suspect, ang 33-year-old na si Cortez McClinton, ay nasaktan din. Nagpaputok rin ng baril ang ina ng babae, pero wala siyang tinamaan.

Si McClinton ay tinamaan ng bala sa dibdib at paa. Tumakas siya mula sa eksena, at dinala sa ospital ng kanyang kapatid -- kung saan siya ay naaresto ng pulis.

Siya ay nakasuhan ng burglary, kidnapping, at felony murder para sa kamatayan ng kanyang accomplice.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange