Babae sa Georgia, nagpatanggal ng 47-pound na tumor mula sa kanyang tiyan!
Mga babae sa Amerika, nagpatanggal ng malalaking tumor!
Isang babae sa Georgia ang dumaan sa isang komplikadong operasyon na nagtagal nang walong oras noong Martes, para matanggal ang isang tumor na kasinglaki ng isang napakalaking beach ball.
Ilang buwan nang naghahanap ng solusyon ang 59-year-old na si Doris Lewis para sa lumalaking tumor sa kanyang tiyan. Pero dahil kulang siya sa health insurance, ilang beses na siyang tinanggihan ng mga ospital.
At hindi siya nag-iisa. Noong una, inakala ni Marcey DiCaro na tumataba lang siya kaya lumalaki ang kanyang tiyan. Nalaman na lang niya noong 2012, na may 47-pound na tumor pala sa loob ng kanyang tiyan!
Kulang din siya sa insurance, kaya tatlong taon na niyang sinusubukang maghanap ng solusyon sa kanyang problema.
Itong nakaraang Abril, nag-qualify si DiCaro para sa insurance, salamt sa Obamacare, at sa wakas siya ay naoperahan sa University of Arizona.
Pero lumala na ang kanyang kondisyon: ang tumor ni DiCaro ay nakapasok na sa pinakamalaking ugat sa kanyang katawan! Nahati ng mga doktor ang tumor, pero sa sobrang laki nito ay muntikan nang masira ang ugat. Nawalan si DiCaro ng isang kidney, at natanggal din ang kanyang gallbladder sa operasyon na nagtagal ng sampung oras.
Sa kaso naman ni Doris Lewis, pumayag ang mga doktor sa Emory university Hospital sa Atlanta na operahan siya, kahit na wala siyang insurance.
Sa paglaki ng tumor ni Lewis, na-displace ang kanyang mga internal organs, na natulak pataas at papunta sa kaliwa.
Ayon sa doktor, ang tumor ni Lewis ay sobrang napuno ng likido, at nabutas daw ito sa gitna ng operasyon, at naglabas ng 12 hanggang 13 liters ng likido. Yikes!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH