Pulis, binugbog ang isang babaeng teenager, sa Pittsburgh Pridefest!
Ang video na ito, na nakunan sa Pittsburgh Pridefest, ay ipinapakita ang police officer na si Souroth Chatterji, na binubugbog ang 19-year-old na si Ariel Lawther.
Anong nangyari para gumamit ng puwersa ang officer?
Gaya ng kahit na anong Pride event, nagdagsaan ang mga Christian protesters na binalaan ang mga homosexuals na mapupunta ang mga ito sa impiyerno.
Hindi natuwa si Lawther sa mga protesters, at ang dala nilang mensahe.
Ayon sa street preacher na si Eric Moure, tinulak daw siya ng babae.
Pero ayon sa video na nakunan ni Jenna Kenny, kakaunti lang ang ebidensiya ng pagtulak na ito, bago pumasok sa eksena ang officer.
Nang hinatak ni Chatterji paalis ang babae, sinuntok at sinipa daw siya nito. Hinatak ng officer ang buhok ng babae, at ilang beses siyang sinuntok sa tiyan.
Si Lawther ay na-handcuff nang natapos ang recording ni Jenna Kenny, na kanyang ipinost sa Facebook.
Si Lawther ay naaresto ay nakasuhan ng assault, resisting arrest, at disorderly conduct, pero na-release din sa 5,000 dollar bond.
Si Chatterji ay naialis na mula sa street patrol, habang iniimbestigahan ng mga Pittsburgh officials kung sumobra ba ito sa kanyang ginawa.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH