Lalaking nambugbog ng asawa, nakatikim ng street justice!
Isang Chinese na wife beater ang nahuling sinasaktan ang kanyang asawa, naparusahan ng mga saksi!
Ang napakalakas na pagsipa ng lalaking ito, sa ulo ng kanyang asawa, ang nagturo sa lalake ng mahalagang leksiyon...tiyak na magdadalawang-isip ito sa susunod na maisipan niyang bugbugin ang kanyang asawa.
Ang video na ito ay nakunan sa isang smartphone ng isang kapitbahay na hindi nagtawag ng pulis -- pero na-record niya ag buong pangyayari, na nai-post sa Internet, na naging viral.
Ayon sa impormasyon tungkol sa video, ang babaeng nabugbog ay asawa ng lalake, at ito ay nangari sa Changzhou, isang siudad sa labas ng Shanghai, kung saan ang populasyon ay 14 million.
Ang ganitong klaseng pananakit sa mga babae ay hindi kakaiba sa China, at bihirang makialam ang mga tao. Maging ang pag-file ng report at iniiwasan ng mga pulis, dahil ang assault sa pagitan ng mga-asawa ay itinuturing nilang private matter, na dapat na ayusin lang ng mga taong sangkot sa issue.
Ayon sa All China Women's Federation, 64 percent ng mga adult sa China ang nakaranas ng domestic violence, pero naniniwala ang mga researchers na mas mataas pa ang numerong ito, dahil karamihan ng mga kaso ay hindi nai-re-report.
Kahit na walang pulis sa eksena, may isang grupong taong nakasaksi sa mga pangyayari, at hinamon pa sila ng walanghiyang lalake -- kaya hinabol siya ng mga ito, at binigyan ng nararapat na parusa!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH