World Cup 2014 recap: Spain, natalo ng Holland; Argentina, natalo ang Bosnia!

2015-04-14 19

World Cup weekend roundup: Spain, natalo ng Holland; Lionel Messi, nagpakita na sa World Cup sa wakas!

Ang nakaraang linggo ay puno ng mga sorpresa, sa 2014 World Cup, na nagkaroon ng napaka-exciting na simula...Kung saan nakita na rin natin in action ang bagong laruan ni Sepp Blatter - ang goal line technology.

Nagulat ang marami nang naglaro ang reigning champions na Spain, noong Biyernes.

Matapos ang isang kaduda-dudang penalty decision para sa foul sa popular na player na si Diego Costa, ay nanguna ang Spain laban sa Holland.

Pero ang napakagaling na si Robin van Persie ang nakabalik sa Netherlands sa laro.

Naghari ang Netherlands sa second half, kung saan naka-score sila ng APAT na goal laban sa Spain, na pinangunahan ng team captain na si Iker Casillas -- na hindi makapaniwalang sila ay natalo nang mahigit limang goal sa isang laro, sa loob ng limampung taon!

Noong Sabado, natalo naman ng Costa Rica ang Uruguay, 3 to 1.

Samantala, ang second-half header ni Mario Balotelli ang nakatulong sa pagkapanalo ng Italy, 2 to 1, laban sa team ni Steven Gerrard na England, sa group D.

Ang goal line technology ay nagsagawa ng World Cup debut, kung saan nagamit ito para sa pag-ayos sa mga arguments, gaya ng pag-block ng Honduras goalkeeper sa shot ni Karim Benzema, na lumampas sa goal line. Nanalo ang France laban sa Honduras, 3-0.

Last but not least, nagpakita na sa wakas sa World Cup si Lionel Messi, na nagkaroon ng magandang performance sa laban sa pagitan ng Argentina at Bosnia, na napanalunan ng Argentina, 2 to 1. Ito ay matapos ang dalawang mahinang performance ng soccer superstar sa nakaraang World Cup, noong 2006 at 2010.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH