Italian teenager, nahulog mula sa talampas habang kumukuha ng selfie!

2015-04-14 18

Kapag nagkamali ang pagkuha ng selfie: Teenager, nahulog mula sa isang talampas sa Italy!

Isang 16-year-old na babae ang nahulog at namatay, habang kinukunan ng litrato ang kanyang sarili sa talampas na ito.

Ang Taranto, Italy, ay kilala para sa mga struktura na may magandang view ng dagat, at ang 16-year-old na si Isabella Fracchiolla, na nagpunta doon sa isang school trip, ay gustong kumuha ng litrato.

Tumayo siya sa isa mga banisters nanakapaligid sa talampas sa plaza, para makakuha ng selfie, pero nawalan siya ng balance...at siya ay nahulog, 18 meters papunta sa mabatong ilalim ng talampas. Nasaktan ang kanyang ulo, legs, at spine.

Hindi siya naligtas ng mga doktor.

Sa susunod na gusto mong kumuha ng selfie, mas mabuti sigurong magpatulong ka sa ibang tao, kaysa sa ilagay ang iyong sarili sa panganib.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH