Accountant sa Florida, ginawang sex slaves ang mga prostitutes sa kanyang bahay!

2015-04-14 1,272

Accountant sa Florida, naaresto para sa human trafficking!

Itong si Timothy Deegan ay hindi ang itsura ng tao na pumapasok sa ating isip kapag nababanggit ang 'human trafficking.'

Siya ay may-ari ng isang tax accounting na negosyo, dahilan kung bakit nakaya niyang bumili ng magandang bahay sa Gainesville -- na ginawa niyang kulungan para sa tatlong prostitute na kanyang kinidnap ng ilang buwan.

Nakilala niya ang mga babae sa website na backpage.com, na craigslist ng prostitution. Pumayag silang makipag-sex kay Deegan, kapalit ng cocaine. Pero napilitan silang linisin ang bahay ni Deegan, kung saan sila nakulong.

Tinanggal ni Deegan ang mga doorknob sa bahay, binantayan sila sa pamamagitan ng camera at GPS, at nag-setup ng mga booby traps para hindi sila makatakas. Binugaw rin niya ang mga babae, na binayaran niya ng cocaine, at nagawa pa niyang i-stream ang mga video nilang nagse-sex sa Internet.

Isa sa mga babae ang nagpunta sa pulis noong Disyembre, matapos niyang makita ang isang video kung saan nire-rape siya ni Deegan habang wala siyang malay.

Si Deegan ay naaresto para sa sexual battery, pero napakawalan din -- ito ang simula ng imbestigasyon ng Gainesville-Alachua Drug Task Force. Bumalik si Deegan sa kanyang bahay, at nagpatuloy ang kanyang nakakadiring gawain.

Ayon sa kapitbahay, nakarinig sila ng sigawan mula sa bahay; nakita nila ang isang babaeng nakahiga sa damo, at iba pang mga nakakagambalang gawain.

Naarestong muli si Deegan noong April, at nananatili siya sa bilangguan sa mga kaso ng human trafficking.

Sinagot ng kanyang tax service ang mga tawag mula sa mga reporter, pero hindi sila pumayag na sagutin ang kanilang mga tanong.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH