Teenager, pinatay ang ama at tumawag sa 911 makalipas ang isang linggo para mag-confess!

2015-04-14 9

Teenager, bibugbog at pinatay ang kanyang ama; makalipas ng isang linggo ay tumawag siya sa 911 para mag-confess!

Isang 16-year-old sa Tacoma, Washington, ang binugbog at pinatay ang kanyang ama, gamit ang isang tungkod, at tumawag sa 911 makalipas ang isang linggo para aminin ang kanyang krimen.

Ayon kay Rylan Salzman, nag-away sila ng kanyang ama habang sila ay nag-iinuman. Tinulak daw siya ng kanyang ama, at gumanti siya gamit ang isang tungkod.

Itinago ni Rylan ang katawan sa isang kahoy na lalagyan, kasama ang compost sa bakuran ng kanilang bahay. Naghintay siya ng isang linggo para makasama niya muna ang kanyang ina ang kapatid na babae, bago siya sumuko.

Ang ina ni Rylan ay nasa bahay ng isa nilang kamag-anak noong gabi ng murder, samantalang natutulog daw sa bahay kanyang kapatid na babae.

Ang court appearance ni Rylan ay naka-schedule sa July 16. Siya ay nakasuhan bilang isang adult, at matapos ang kanyang arraignment ay mase-set ang kanyang bail sa one million dollars. Ayon sa pulis, sa sobrang bugbog ng katawan ng kanyang ama, kinailangan nilang gumamit ng dental records para lang makilala ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange