Babae, nilaslas ang mukha ng kanyang asawa, dahil umihi ito sa sahig ng banyo!
Ito ang 52-year-old na si Shery Lynn Downs, at ayaw na ayaw niya kapag tumulo sa sahig ang ihi ng mga lalake. As in, ayaw na ayaw niya ito.
Ayon sa mga court documents, sinabi raw ni Downs na buong araw siyang binibigyan ng problema ng kanayng asawa, at isa na rito ang pag-ihi sa sahig ng banyo.
At ayon sa 68-year-old na asawa ni Downs, sobrang nagalit si Downs, na kumuha ng kutsilyo at nilabas ang kanyang galit sa mukha ng kanyang asawa!
Pagdating ng pulis sa eksena, nakita nila ang asawa ni Downs na nakaupo sa labas ng bahay, hawak ang twalyang nakababad sa dugo mula sa kanyang mukha. Si Downs naman ay parang lasing sa loob ng bahay, kung saan nagkalat ang dugo.
Nangailangan ng special surgery ang asawa ni Downs para maayos ang kanyang mukha. Sigurado kaming hinding-hindi na siya iihi sa sahig!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH