Lalake, sadyang sinagasaan ang isang buntis na babae!
Noong Miyerkules, si Dewey Green ay naaresto para sa random act of violence, na ikinamatay ni Janice Pitts, habang nakatingin ang kanyang anak na babaeng si Iesha Davis at ang kanyang 4-year-old na apo.
Ang pamilyang Pitts ay nagmamaneho sa Highway 5 sa Douglasville Georgia. Nakahinto sila sa isang traffic light sa Douglas Boulevard, nang binangga siya ni Green sa likod ng kanyang Lincoln Navigator.
Nang lumabas ang 53-year-old na babae mula sa kotse para tingnan ang sira sa sasakyan, binangga siyang muli ni Green, at inipit ito sa pagitan ng dalawang sasakyan. Lumabas sa kotse si Davis, at sumampa sa hood ng pickup ni Green, Sabi ni Davis, pinaghahampas niya ang bintana at nagmakaawa kay Green na tigilan na ang kanyang ina.
Ayon kay Davis, ayaw daw siyang tingnan ni Green, at patuloy ito sa pag-apak sa gas.
Nang nag-reverse na si Green sa wakas, nahulog ang katawan ni Pitts sa kalsada, na nagawa pang daanan ni Green nang nagmaneho itong paalis!
Si Janice Pitts ay isang two-time breast cancer survivor na kailan lang ay nalaman na siya ay buntis. Namatay siya sa eksena.
Ayon sa pulis, amoy alak si Green nang siya ay naaresto. Siya ay nakasuhan ng murder, aggravated assault at battery, at maaring humarap din sa kaso ng feticide.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH