Magkapatid na lalake, nalunod habang nililigtas ang isang bata mula sa ilog!

2015-04-14 1

Dalawang lalake, nalunod habang nililigtas ang isang walong taong gulang na bata!

Isang fishing trip ang nauwi sa kamatayan noong Sabado, matapos malunod ang dalawang lalake sa Snake River sa Elmore County, Idaho.

Si Jose Barroso-Alfaro, kasama ang kanyang 8-year-old na anak at kapatid na si Martin, ay nagfi-fishing malapit sa Loveridge Bridge sa Highway 51.

Hindi malinaw kung paano, pero nahulog ang bata sa ilog, na kilala para sa malakas na agos ng tubig.

Nag-panic si Jose, na tumalon sa ilog para iligtas ang kanyang anak, pero hindi na siya umahon. Tumalon na rin sa ilog si Martin, pero masyadong malakas ang agos ng tubig, at nalunod ang mga lalake bago pa nila maligtas ang bata.

Ang 23-year-old na si Michael Feldmeier ay malapit sa eksena at sinubukang tumulong -- buti na lang at buhay pa ang bata nang nahila siya ni Michael mula sa ilog.

Hindi nagtagal, at na-recover din ng mga divers ng local sheriff's department ang katawan ng dalawang magkapatid, na namatay sa eksena.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH