Kotse ng nawawalang buntis na teenager, natagpuan - pero nasaan si Erin Corwin?

2015-04-14 9

Kotse ng nawawalang buntis na teenager, natagpuan - pero nasaan si Erin Corwin?


Kotse ng nawawalang buntis na 19-year-old na babae, na nai-report na nawawala noong Linggo, ay natagpuan noong Lunes ng San Bernardino Sheriff's Office.

Umalis si Erin Corwin mula sa kanyang bahay, alas siete ng umaga noong Sabado, papunta sa Joshua Tree National Park...kung saan balak niyang dalhin ang kanyang ina, kapag dumalaw ito sa kanyang 20th birthday.

Ang national park ay limang milya ang layo mula sa Twnetynine Palms Military Base, kung saan nakatira si Corwin kasama ang kanyang Marine na asawang si Wayne.

Pero umabot na ng Linggo, at hindi pa umuuwi si Corwin. Tumawag na sa pulis ang kanyang asawa.

Nagsimulang maghanap ang mga ground crews para kay Corbin sa national park.

Noong Lunes, natagpuan ang Toyota Corolla ni Corwin sa Twentynine Palms, pero wala pang nakakakita sa kanya.

Si Corwin ay 5 feet 2 ang tangkad, at nasa 120 pounds ang bigat.

Ang 19-year-old ay tatlong buwang buntis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH