VIDEO: Pulis, tinulak ang lalaking naka-wheelchair; hindi nawalan ng trabaho!

2015-04-14 4

Pulis, tinulak ang isang lalaking naka-wheelchair, pero hindi nawalan ng trabaho!

Nag-release ng dash cam footage ang police department sa Lafayette, Indiana, kung saan tinulak ni Lieutenant Tom Davidson ang 25-year-old paraplegic na si Nicholas Kincade, na nangangailangan ng motorized wheelchair para makakilos.

Nangyari ang insidente noong October 1, 2013. Ayon sa mga police reports, sinabi ni Kincade sa staff ng isang charter school na may dala siyang baril. Naiawag ang pulis sa eksena, at sinearch nila si Kincade. Nakahanap sila ng pocket knife, pero walang baril, at sinabihan nila si Kincade na huwag magpunta sa school.

Nang paalis si kincade, tumama ang kanyang wheelchair sa paa ni Davidson. Rumispondi ang pulis sa pamamagitan ng pagtulak kay Kincade, na nahulog mula sa wheelchair papunta sa kalsada.

Naaresto si Kincade at nakasuhan ng battery against a police officer, pero napawalang-bisa rin ang kaso. Samatanal, si Davidson ay nabigyan ng 30-day suspension, pero hindi siya nawalan ng trabaho.

Sa tingin niyo ba ay dapat na mawalan ng trabaho si Davidson? Mag-iwan ng opinyon sa comments.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH