Babaeng aksidenteng na-SEXT ang kanyang ama - tutoo, o isang hoax?

2015-04-14 54

Babaeng aksidenteng nagpadala ng SEXT sa kanyang ama -- tutoo, o isang hoax?

Si Nyjah Amhari Cousar, na isang college student mula sa Inglewood, California, ay hindi sinasadyang naipadala ang litrato ng kanyang sariling nagsha-shower sa kanyang ama, imbes na sa kanyang boyfriend na si 'Dasquan.'

Nagwala daw ang kanyang ama, at nang humingi ng tulong si Nyjah sa Internet ay nagkalat na sa publiko ang kanilang 'misunderstanding.'

Sa tingin namin ay ganito ang nangyari. Maayos naman ang lahat...nang natanggap ng ama ni Nyjah ang sext sa kanyang trabaho, at gumuho ang kanyang mundo.

Ang ama na si Carlton Cousar ay galit na tinawagan at tinext ang kanyang anak, at pag-uwi niya sa bahay ay kinumpronta niya ang kanyang anak, na kinunan ng video ni Nyjah at ishinare sa Internet.

Ini-lock ni Nyjah ang kanyang sarili sa banyo, habang nakatayo sa labas ang kanyang ama, na inutusan siyang buksan ang pinto.

Nang pinapasok ni Nyjah sa banyo ang kanyang ama, pinagalitan siya nito at sinabing hindi siya marunong rumespeto.

Buong araw na nagbigay ng update si Nyjah tungkol sa insidente. Habang nagongolekta siya ng iilang libong mga bagong Twitter at Instagram followers, kami naman dito sa Tomo News ay napapaisip kung ito bay ay tutoo, o isa na namang elaborate hoax? Ano sa tingin niyo? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH