Condo sa Seattle, 'minumulto' ng isang palabirong meth addict!
Seattle condo na minumulto, pinuntahan lang pala ng isang loko-lokong meth junkie!
May isang mag-asawa sa Seattle na gustong tumawag ng Ghostubusters, nang umuwi sila sa kanilang bahay noong Biyernes.
Nagulo nang todo ang kanilang bahay, pero hindi ito gawain ng isang magnanakaw.
May naglagay ng lotion sa mga doorknob, at tinanggal ang lahat ng insoles mula sa kanilang mga sapatos. Nakita rin nila ang nakabaligtad na lalagyan ng pintura na hindi nila binili.
Noong una ay walang nakitang mga bakas ng ebidensiya ang mga pulis. Pero mas lalong naging kakaiba ang mga pangyayari kinagabihan. Sinubukang matulog ng mag-asawa, pero may nangyayari sa ilalim ng kanilang kama! Tinawagan nila ulit ang pulis, pero kung kami iyon ay iba ang tatawagan namin...
Sa huli, ay nalaman nilang isang meth-head lang pala ang nagtatago sa ilalim ng kama.
Ang 27-year-old na babae ay nasa isang 'meth-induced rampage' at ilang araw na pala siyang pumapasok sa mga random na bahay, na kanyang ginugulo. Siya ay na-ospital at nadala sa pinakamalapit na jail.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH