Chicago Cubs, dinemanda ang pekeng team mascot, matapos magreklamo ang mga fans!
Umaasa ang Chicago Cubs na mapatigil ang dalawang lalake na ginagamit ang kanilang team para bastusin ang kanilang mga fans.
Sa lawsuit nan a-file noong Biyernes, sinabi ng team na si John Paul at Patrick Weier ay nagpunta sa kanilang mga laro, suot ang pekeng costume para maloko ang mga fans na excited na makilala ang tunay na mascot ng team na si Clark the Cub.
Ang pekeng mascot na si Billy Cub ay humingi ng pera mula sa mga fans, kapalit ng pagkuha ng litrato. May mga kaso pa kung saan gumamit si Billy Cub ng racial clurs at iba pang nakakainsulto at nakakabastos na salita sa mga fans.
Nahuli din sa isang video sa isang bar si Billy Cub, na sinuntok ang isang lalaking tinanggal ang ulo ng kanyang costume. Naging viral ang video, at inakala ng media na ang official Cubs mascot ang sangkot sa insidente.
Ayon din sa lawsuit, nagpapatakbo ng iilang online business ang mga lalake, kung saan nagbebenta sila ng pekeng Cubs merchandise.
Gusto ng team na makakuha ng pera para sa damages sa legal fees, at pati na rin ang lahat ng kinita ng dalawang lalake, mula sa karakter na kanilang ginaya at pineke.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH