Rapper Andre Johnson, ipinaliwanag na rin sa wakas kung bakit niya pinutol ang sarili niyang kalalakihan!
Ang rapper na si Andrew Johnson ay kilala sa kanyang stage name na Christ Bearer, at sinabi niya na hindi isang suicide attempt ang kanyang pagputol sa sarili niyang penis, sabay talon mula sa second floor ng kanyang condo, noong April.
Kahit na inamin niyang gumamit siya ng droga nang gabing iyon, sinabi din ni Johnson na siya ay 'in total control.'
Ayon sa kanya, andito siya para maging isang diyos, at ang sex ay para lang sa mga tao, at maaring maging problema ito para sa kanya...kaya naisipan niyang alisin ang pinaka-ugat ng lahat ng problema -- ang kanyang penis!
Ayon din kay Johnson, ang pagtalon niya mula sa second floor ay pagrispondi niya sa mga demonyo, at hindi pagpapakamatay.
Hindi na naikabit ng mga doktor ang kanyang penis, pero sabi ni Johnson, hindi siya depressed at ang kanyang pagkaligtas ay isang 'blessing.'
Masaya pa ang pananaw ni Johnson sa kanyang kinabukasan. Ang sabi niya, "A penis is a penis."
Baka noon pa ay binigyan na niya tayo ng sneak peak sa kanyang kinabukasan, nang kinanta niya ito...
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH