VIDEO: Mga hubad na lalake, ninakawan ang isang burger joint sa Florida!

2015-04-14 17

Pulis sa Florida, hinahanap ang mga hubad na magnanakaw ng mga hamburgers!

Hinahanap ng mga pulis sa Bonita Beach, Florida ang tatlong lalaking nakaisip na maghubad at nakawan ang isang burger joint, Linggo ng umaga.

Hindi kami sigurado, pero nagsususpetya kami na ang gabi ng mga hamburglars na ito ay nagsimula sa ganito…

Pinasok ng mga lalake ang popular na Doc’s Beach House burger shack. Hindi nila pinansin ang cash register – dumiretso sila sa deep freezer.

Nahuli ang tatlong hubad na magnanakaw sa security footage, na nagnakaw ng animnapung hamburgers, three pounds ng bacon, tatlogn red peppers at isang paddle board.

Ayon sa mga awtoridad, nang nakita ng mga lalake ang security camera ay tumakas na sila sa eksena…kung saan nag-iwan sila ng bakas ng kanilang pagnanakaw.

Ini-release ng mga awtoridad ang mga litratong ito sa social media, sa pag-asang may makakatulong sa pagkilala sa mga suspects.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH