US Secret Service, ayaw kay Joe Biden dahil mahilig siyang maghubad!

2015-04-14 9

Secret Service, inilabas ang katotohanan na ang Vice President ng US ay mahilig mag-skinny dip, o lumangoy nang nakahubad!

Isang bagong libro na base sa tsismis na galing sa mga Secret Service agents ang maaring magbago n gating paningin sa US VP na si Joe Biden. Ayaw daw kasing ma-assign ng mga agents sa kanya, dahil mahilig siyang mag-skinny dipping! Ito ay ayon sa librong, “The First Family Detail.”

Ayon sa author ng libro na si Ronald Kessler, nakausap niya ang mga Secret Service agents tungkol sa mga ‘nakatagong buhay’ ng mga presidente ng Estados Unidos.

Bukod sa kanyang kahiligang maghubad, tinatakasan din daw ni Biden ang kanyang security detail kapag umuuwi siya sa Delaware, dahil ayaw niyang maistorbo ng motorcade ang kanyang mga kapitbahay. Ito ay sakit ng ulo para sa mga agents na ang trabaho ay protektahan siya.

Maraming nagdududa sa katotohahan ng libro ni Kessler, pero ang makukuha natin mula sa mga alegasyon na ito – bukod sa pagiging malapit sa posisyon ng presidente ng US, si Joe Biden ay isa rin lang na average Joe.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange