English teacher, natanggal sa trabaho dahil sa pagturo ng 'homophones!'

2015-04-14 46

English teacher, natanggal sa trabaho dahil hindi marunong ng Englisg grammar ang kanyang boss!

Ang homophones…ay hindi gay headphones…

Ang homophones ay mga salitang magkatunog, pero magkakaiba ng spelling at ibig sabihin.

Pero ang paliwanag na ito, na nakasulat sa blog ng Utah English teacher na si Tim Torkildson, ang dahilan kung bakit nawalan sya ng trabaho!

Malamang ay dahil ang kanyang boss, na gaya ng maraming tao, ay hindi na maalala ang kanilang natutunan sa grade school English. Ang ibig sabihin ng homo ay ‘lalake’ sa Latin, at ‘pareho’ sa Greek.

Ang homophone ay mga salitang magkaparehas ng tunog pero magkaiba ang spelling at ibig sabihin.

Ang boss kaya ni Tim ay homo…erectus…o sapiens?

Sabi kasi ni boss, ang eskuwelahan ay makikilala para sa mga homosexuals, at ang homophones ay masyadong komplikado para ituro sa klase.

Komplikado? Pitong taong gulang pa lang ako eh alam ko na iyan eh!

Para sa boss ni Tim: hindi mo naintindihan ang homophones bilang salita, kaya heto ang isang visual para sayo. Isa ka sa mga ito!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH