Giant crocodile versus bull shark!
Isang 18-foot-long na monster crocodile, o buwaya, na nagngangalang Brutus, ay ang pinakasikat na residente ng Adelaide River sa Northern Territory sa Australia.
Ang buwaya, na pinaniniwalaang lampas walumpung taong gulang na, ay nakilala para sa kanyang nawawalang paa sa harapan. Ayon sa mga alamat, nawalan ng paa si Brutus sa isang shark attack noon.
Itong linggo, ginantihan ni Brutus ang kanyang kaaway na pating, sa harap ng dalawampu’t limang manonood, na nakasakay sa isang cruise.
Nagpunta ang cruise sa Adelaide, para panoorin ang mga tumatalon na buwaya, pero hindi nila inaasahang makakakita sila ng mga pating!
Kinagat ni Brutus ang 1.5 meter na bull shark, at ipinagyabang ito sa mga nanonood – na natural ay nagsikuhaan ng mga litrato, habang kagat-kagat ni Brutus ang buhay pang pating.
Umahon si Brutus, para lang ibalik ang pating sa tubig, kaway-kawayin ito sa tubig para mamatay na nang tuluyan. Pagkatapos, ay bumalik na siya sa bakawan para itago ang kanyang nahuling pagkain…na naiba sa kanyang pangkaraniwang diyeta ng kalabaw.
Ayon sa operator ng cruise na si Morgan Bowman, kahit na matanda na si Brutus, ay mautak pa rin ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH