Animal hoarder sa Arizona, namatay; kinain ng alagang hayop ang katawan!

2015-04-14 25

Bangkay ng patay na animal hoarder sa Arizona, kinain ng kanyang mga alagang hayop!

Para sa animnapung pusa’t aso na nakatira sa loob ng isang trailer sa Wittman, Arizona, ang bangkay ng kanilang 78-year-old na owner na si Jerry Brown ay ang tanging paraan para sila ay mabuhay.

Mahigit isang linggo nang nakahigang patay si Brown sa kama sa kanyang tinitirhan, nang hindi nalalaman ng kanyang pamilya’t kaibigan.

Nabulgar lamang ang katakot-takot na eksena nang chineck ng isang concerned neighbor na si Roger Halstead ang bahay ni Brown.

Laking gulat ni Roger sa kanyang nakita. May limampu hanggang pitumpu’t limang pusa sa loob ng trailer. Nagkalat ang tae sa sahig, na nag-ipon mula six inches hanggang isang talampakan.

Ang nabubulok na katawan ni Brown ay nasa kama, at nakain ng mga hayop ang parte ng kanyang katawan. May baril na natagpuan sa tabi ni Brown. Hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa pamilya ni Brown, hindi nila alam na ganito pala ang kondisyon ng tirahan ni Brown. Nasa kamay na ito ng local humane society, na gagamutin at paghahanapan ng bagogn tirahan ang mga hayop.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange