Texas, pinag-iisipan ang pagbenta ng alak sa mga gun shows!

2015-04-14 3

Texas, pinag-iisipan ang pagbenta ng alak sa mga gun shows!

Napansin niyo ba na ang pag-inom ng alak ay nakabubuti sa ating mga buhay? Kaya siguro pinag-iisipan ng Texas Alcoholic Beverage Commission ang pagbenta ng alak sa mga gun shows sa Texas…basta’t walang live ammo, at hindi pwedeng iuwi ng mga buyers ang mga baril sa event.

Ayon sa proposal, ang mga baril ay madi-disabled at hindi agad na magagamit. Ang mga pagbabagong ito ay maaring magbigay-daan sa pagbenta ng alak sa mga gun shows, na para sa amin ay hindi isang magandang ideya.

Natural ay nag-aalala ang mga conceled handgun carriers, at mga open carriers, na ipagbabawal ang pagdala nila ng kanilang mga baril sa event – pero ayon sa commission ay wala silang dapat na ipag-alala.

Ang proposal na ito ay bukas para sa public comment, sa loob ng tatlumpung araw, at maari itong mauwi sa isang desisyon sa Nobyembre. Baril at alak…ano naman ang masama sa kombinasyon na ito?!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange