Pulis na tinutukan ng rifle ang mga protesters – nasuspinde na mula sa trabaho.
Isang police officer sa St. Ann, na dalawampung taon nang beterano sa police force, ang nasuspinde mula sa trabaho, matapos niyang tutukan ng automatic assault rifle ang media at protesters sa Ferguson. Ang video ng insidente ay naging viral na sa Internet.
Sa video, makikita si Lt. Ray Albers na inangat ang kanyang rifle, at tinutukan ang mga protesters – na kanyang sinigawan ng, “Get the f--- away from me. I will f---ing kille you. Get back.”
Kinumpronta ng mga protesters si Albers, at tinanong ang kanyang pangalan. Sinagot sila ni Albers ng, “Go f--- yourself.” Ang mailki pero napaka-tense na sagutan na ito ay natapos lang nang pinakiusapan ng isa pang police officer si Albers na ibaba ang kanyang armas, ay maglakad paalis.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH