May dalawang magulang na umaapela sa Los Angeles County Sheriff’s Department na gawan ng paraan para malinis ang pangalan ng kanilang anak na lalake, na naging konektado sa isang home burglary investigation, matapos magkalat ang iilang mga selfies sa social media.
Na-identify ng pulis si Larry Beltran Jr. at ang kanyang girlfriend, bilang “people of interest: sa isang press release, kung saan pinakita nila ang selfie ng dalawa. Ini-release ng pulis ang mga litrato dahil naniwala silang makakatulong ito sa paghuli sa mga magnanakaw na pinasok ang isang bahay sa Newhall noong July 3.
Ayon sa mga awtoridad, ang selfie ay nadiskubre matapos i-check ng biktima ng burglary ang kanyang cloud account, at nakita niya ang mga litrato ng mga taong hindi niya kilala.
Noong Miyerkules, si Larry Beltran ay nagpunta sa Santa Clara Valley station, kasama ang kanyang anak, para kausapin ang mga awtoridad tungkol sa nanakaw na telepono – pero sinabihan sila na bumalik kinabukasan dahil umuwi na ang detective na siyang bahala sa kasong ito.
Ayon sa tita ni Beltran Jr, na nagpunta din sa police station, bumili siya ng dalawang iPhone sa halagang 80 US dollars, mula sa isang lalake sa isang swap meet – at binigay niya ang isa sa mga cellphones sa kanyang pamangkin.
Nakipag-koopera naman ang pamilya sa mga awtoridad. Pero sa tutoo lang…kapag may nagbenta sa inyo ng dalawang iPhones para sa napakaliit na halaga…red flag na iyan!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH