Top Ten Air Travel Urban Legends: alin sa mga ito ang pinaniniwalaan mo?

2015-04-14 1

Ito ang Top Ten Urban Legends tungkol sa paglipad sa eroplano…ilan ang alam ninyo?

May mga taong mahihigop palabas ng eroplano, kapag binuksan mo ang pinto ng eroplano habang lumilipad ito. O masu-stuck ka sa banyo kapag nag-flush ka habang nakaupo ka sa inodoro.

Naniniwala ka ba sa mga ito?

Nag-publish ang Daily Mail ng, “Top Ten Myths” tungkol sa air travel, na kailangan mong malaman bago ka sumakay sa eroplano…para malaman natin ang tutoo sa hindi.

Ayon sa article, imposibleng magawa ng isang tao ang buksan ang pintuan ng eroplano habang nasa ere, dahil ang cabin ay pressurized at nasa mataas na altitude ang eroplano. Masyadong malaki ang diperensiya ng air pressure.

Imposible rin na ma-stuck ka sa inodoro ng banyo sa eroplano, dahil hindi makakagawa ng airtight seal ang iyong puwit, na siyang tanging posibilidad ng pagdikit ng puwit sa inodoro. No gap; no problem.

Narinig niyo ban a ang mga eroplano ay nagtatapon ng basura o waste habang nasa ere ito? Hindi tutoo iyan…ang waste ay naka-store sa isang tank hanggang sa makapag-landing ang eroplano.

Ang mas mabilis na paglalasing dahil sa pag-inom ng alak sa ere? Hindi rin tutoo.

May mga taong naniniwala na ang eroplano ay magka-crash kapag tinamaan ito ng kidlat. Hindi tutoo. Dadaan lang ang current sa katawan ng eroplano.

Maari ka bang ma-high habang suot ang oxygen mask? Nope. Pero makakahinga ka, which is better!

Maari ka bang magkasakit dahil sa hangin sa eroplano? Ang hangin sa loob ng cabin ay na-filter na ng todo para matanggal ang bacteria. Pero ang tubig at tray tables sa eroplano ay higit na marumi…

Ang paninigarilyo ay banned sa mga banyo, pero may mga ashtrays pa rin ang mga ito…just in case may smoker na gustong itapon ang kanilang sigarilyo. Hindi rin ito tutoo.

Pakipasa na lang ang video na ito para sa mga kaibigan niyo na mahilig maniwala sa mga ‘airplane legends!’


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH