ISIS, nagsimulang pumatay ng mga UK citizens; David Cameron, nangakong hahanapin sila!

2015-04-14 29

UK Prime Minister David Cameron, nangakong hahanapin ang mga killers, pagkatapos patayin ng Islamic State ang isang British aid worker.

Iyan ang sinabi ng British Prime Minister na si David Cameron, matapos kumalat ang pinaka-latest na video ng jihadist group na Islamic State, kung saan pinugutan nila ng ulo ang British AID worker na si David Haines.

Si Cameron, na nagsagawa ng meeting kasama ang kanyang emergency committee noong Linggo, bilang pagrispondi sa video, ay sinabing ang pag-murder ng ISIS kay Haines ay “despicable and appalling.” Nangako siyang hahanapin nila ang mga killers.

Ang video, na nai-release noong Sabado at may title na, “A Message to the Allies of America,” ay nasundan ng isang statement ng hostage, kung saan sinisi niya ang mga leaders ng kanyang bansa, para sa kanyang pagkamatay. Pagkatapos, ay sasang-ayon dito ang naka-maskarang jihadist, na siyang brutal na papatay sa hostage.

Isa pang British hostage na si Alan Henning, isang taxi driver mula sa Greater Manchester na nakidnap sa Syria bilang parte ng isang AID convoy, ay ipinakita sa video bilang susunod na biktima – kapag patuloy na lalabanan ng UK government ang Islamic State.

Bilang pag-rispondi sa pagpatay kay Haines, nag-release ng statement ang kanyang kapatid, na naalala si David Haines bilang isang mabuting kapatid.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH