Pitong tao, naaresto para sa machete attack sa Chicago train line!
Isang 26-year-old na lalake ang seryosong nasaktan, matapos ang brutal at unprovoked attack sa Kedzie CTA train station sa brown line ng Chicago. Bakit? Dahil hindi siya nag-flash ng tamang gang signs.
Nangyari ang attack, 12:30 ng madaling araw noong Lunes. Nilapitan g pitong tao ang nananahimik na lalake at ang kanyang 17-year-old na kapatid.
Sinabihan diumano ng grupo ang dalawang lalake na magpakita ng mga gang signs. Tumanggi ang dalawa, na sinabi sa grupo na hindi sila kabilang sa kahit na anong gang.
Dito naghagis ng beer sa sahig ang 18-year-old na si Mario Elvira, na humugot ng machete mula sa kanyang pantalon at inilagay ito sa leeg ng 17-year-old na lalake.
Sinubukang pakalmahin ng kuya ng teenager ang sitwasyon, pero pinagkakaway ni Elvira ang blade, na tumama sa ulo at leeg ng lalake! Nagkaroon ng sugat na may 6 inches ang haba, at 1-and-a-half inches ang lalim.
Nagpatuloy ang attack hanggang sa dumating ang sumunod na tren, at tumakas ang gang.
Wala pang isang oras at naabutan ng mga pulis si Elvira, na kasama si Jean Salvatierra, 23; Kevin Ramirez, 19; Kevar Preston, 20; at tatlong 15-year-old na bata. Ang apat na adult ay nakasuhan ng robbery, aggracated battery at trespassing.
Kinailangan ng biktima ng tatlumpung tahi sa kanyang ulo at leeg. Siya ay nasa stable condition.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH