Bagong kontrobersiya sa Vancouver, Canada: isang naked sushi restaurant!
Ito ang Nyotaimori…isang restaurant kung saan ang isang nakahubad na model, ay ginagamit bilang sushi platter, habang kumakain ng sushi mula sa kanyang katawan ang mga customer.
Isang Nyotaimori restaurant sa Canada, na tinawag na Naked Sushi, ay naging kontrobersiyal mula nang magbukas ito noong July.
Ayon sa website ng restaurant, ang Naked Sushi ay nagbibigay ng tradisyonal at eleganteng Japanese na kapaligiran, para sa isang karanasan na hindi mo malilimutan.
May ilang panuntunan ang restaurant: ang mga customer ay hindi pwedeng makipag-usap sa mga models, at natural ay bawal din ang body contact.
Ayon sa local media, ang Nyotaimori ay isang Japanese na tradisyon – pero ayon sa mga feminist groups, na prinotesta ang restaurant noong September, ang Nyotaimori ay isang klaseng sexual objectification, at hindi ito malinis.
Nang kumalat ang balita tungkol sa Naked Sushi sa Japan, sinabi rin ng mga taga-Japan na ang Nyotaimori ay hindi tinuturing na Japanese tradition.
Ano sa tingin niyo – ang Nyotaimori ba ay masarap, o nakakadiri? Mag-iwan ng opinyon sa comments.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH