Say 'ello' to Ello - ang social media platform na gustong pumalit sa Facebook!

2015-04-14 5

Ang Ello na kaya ang magiging kapalit ng Facebook?

Kung sakaling wala kayong balita, may isa pang social media network na malapit nang i-launch.

Ang Ello ang gustong maging kauna-unahang social media site sa mundo, na hindi tina-track ang pagkilos ng mga users sa Internet, at hindi din pilit na isasaksak ang mga ads sa ating mga computer.

Hindi natin pwedeng kalimutan ang isang napakalalaking network na gamit ng halos lahat ng tao sa buong mundo…ang Facebook ay kumikita ng bilyon-bilyon sa pamamagitan ng mga user profiles, na naipagpapalit nila para sa ad revenue.

Gusto itong baguhin ng Ello, na makikita sa kanilang slogan: “You are not a product.” Simple lang ang kanilang design, na nakatutok sa interaction sa pagitan ng mga magkakaibigan. Mukhang okay ang konsepto, pero paano na kung ako lang sa loob ng aking social circle ang gumagamit nito?

May ibang mga social networks na gaya ng Google Plus ang nangako na gagawin nila ang nais na gawin ngayon ng Ello…pero hindi madaling lampasan ang mga problemang kanilang hinaharap.

Sa ngayon, ang Ello ay nasa invite-only beta mode…kaya kung kayo ay miyembro ng network na ito, ipaalam na lang po sa amin ang inyong opinyon sa comments.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH