Ayon " />
Ayon "/>

Bagong "Yes Means Yes" law, nilalabanan ang campus rape sa California!

2015-04-14 36

“Yes Means Yes” na batas, naipasa para malabanan ang campus rape sa California!

Ayon sa isang batas na pumasa sa California noong isang linggo, ang mga college students sa estado ay kakailanganing makarinig ng napakalinaw na “yes,” imbes na “no,” bago sila pwedeng mag-sex.

Nakakalito ba? Heto ang aming paliwanag.

Ito si John. Si John ay naghahanda para sa isang date kasama si Sarah, na kanyang nakilala sa kanyang English class noong isang linggo.

Maayos naman ang pagtakbo ng date ni John at Sarah…at nang niyaya ni John si Sarah na bumalik sa kanyang tirahan, ang sagot ni Sarah ay “yes!”

Ayon sa bagong batas na “Yes Means Yes,” ang pananahimik o pagkulang sa paglaban ay hindi nagpapahiwatig ng pagpayag sa sex.

Sa ilalim ng batas na ito, ang taong lasing, nasa impluwensiya ng droga, walang malay o natutulog ay hindi maaring magbigay ng pahintulot sa sex.

Pagbalik nila sa bahay ni John, magiging maingat si John kahit na nagbigay ng “yes” si Sarah, dahil importante dito ang pagiging maayos na pag-iisip ni Sarah sa oras ng kanyang pagsagot ng “yes.”

Nang hinipan ni Sarah ang breathalyzer app ni John, nadiskubre ni John na si Sarah ay nakainom nang lampas sa legal limit.

Binigyan ni John si Sarah ng kape, para mawalan ng pagkalasing si Sarah. Mukhang gusto na ni Sarah na ituloy ang kanilang date, pero gustong makasigurado ni John.

Kaya tinawagan niya ang kanyang abugado.

Ngayong sober na si Sarah at maaring magsagawa ng maayos na desisyon, pumirma sila ni John ng mga consent forms, bago sila nag-sex.

Kung wala kayong abugado na gaya ni John, pwede daw na maging nonverbal ang consent, gaya ng pagtango ng ulo o paglapit sa tao.

Ipinagdiriwang ng mga supporters ang batas na ito, na china-challenge ang ideya na kailangang umayaw ang mga biktima, bago seseryosohin ang kanilang reklamo ng rape.

Pero ayon naman sa mga kumokontra sa batas, hindi ito tama dahil inilalagay nito agad ang mga naakusahan sa posisyon ng guilty.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange