Beijing officials, naghanap ng bomba...sa puwit ng mga kalapati!

2015-04-14 93

Mga Chinese officials, naghanap ng bomba…sa puwit ng mga
kalapati!

Ang National Day celebrations na isinasagawa sa Beijing, bawat October 1st, ay para ipagdiwang ang pagtayo ng People’s Republic of China. Dahil dito, ay ginagawa ng mga Chinese officials ang lahat para masiguradong maiwasan nila ang mga pagkakamali at anumang security breaches na maaring mangyari.

Kaya naman pala nagsagawa sila ng ‘anal security checks,’ sa mahigit sampung libong ibon, na ipinakawala sa ceremony, itong nakaraang October 1st!

Habang tama lang naman na mag-alala ang Beijing sa posibleng terrorist attack – ano naman klaseng contraband ang inaasahan nilang madadala ng mga kalapati sa kanilang mga puwit?!

At kung wala naman silang natagpuang bomba sa puwit ng mga ibon…hindi pa rin nila mapipigilan ang mga ito sa paglabas ng isang klaseng ‘bomba’…dahil natural lang naman ito sa kanila.

Ano sa tingin niyo – tama lang ban a nag-practice sila ng ganitong klaseng pag-iingat – o masyadong OA ang kanilang ginawa? Better safe than sorry, or too much time on their hands? Mag-iwan ng opinyon sa comments!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange