Dutch biker gang, kasama ang Iraqi Kurds na nilalabanan ang IS!

2015-04-14 21

Mga Dutch bikers, tinutulungan ang mga Iraqi Kurds, na labanan ang Islamic State!

Hindi lang pala ang Islamic State – o Daesh, na ayaw nilang matawag – ang kaisa-isang grupong kayang kumuha ng mga volunteer fighters mula sa Europe.

Ang mga Dutch volunteers mula sa biker gang na No Surrender, ay nakitang nakikipaglaban, kasama ang mga Kurdish soldiers sa Iraq, laban sa Daesh. Ang kanilang labanan ay dinala rin nila sa Internet.

Kadalasan, ang mga European biker gangs ay may mga kriminal at neo-Nazi tendencies, gaya ng kanilang mga pinsan sa Estados Unidos. Pero ang No Surrender ay walang nalalaman na Nazi associations, kahit na sila ay isang outlaw gang.

At ayon sa Dutch public prosecutor, ang pagsali sa foreign fighting force ay hindi tinuturing na krimen. Hindi ka lang pwedeng makipaglaban sa Netherlands.

Gayunpaman, ay pinaalala ng prosecutor sa mga bikers na ang rape at torture ay mga krimen…kahit na ang Iraq ay napakalayo mula sa Netherlands, at ang mga krimeng ito ay mahirap na mapatunayan.

Ano sa tingin niyo – kakayanin ba ng No Surrender ang Islamic State?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH