Mga beachgoers sa Oregon, bumuo ng isang human chain, para maligtas ang mga na-stranded na swimmer.
Nakunan ng video ang isang nakakabilib na pagligtas sa mga na-stranded na swimmer, sa Depoe Bay, Oregon, itong nakaraang Sabado.
Hinila ng mga tao sa beach, sa Fogarty Creek State Park, ang iilang na-stranded na swimmer sa isang mabatong lugar sa oras ng high tide, sa pamamagitan ng pagbuo ng human chain.
Limang tao sa grupo ang nanatili sa mabatong lugar, at sila ay naligtas ng Coast Guard helicopter noong Sabado, pero tatlo sa kanila ang nagdesisyong lumangoy papunta sa baybayin.
Ayon sa witness na si Ray Felle ng Portland, na ni-record ang drama sa kanyang telepono, ang babae ay nahiwalay mula sa dalawa sa tubig, at nahirapang lumangoy – nang tinulungan siya ng mga tao sa beach.
Ang mga taong nangailangan ng tulong ay na-stranded nang dumating ang high tide, na nagtulak sa kanila sa mabatong lugar.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH