Flight attendant, tinanggihang ilagay sa closet ang jacket ng isang army ranger!
Hindi porke’t ito ay isang policy, ay tama ito – iyan ay ayon kay Cliff Autrey, na nasaksihan ang isang argument sa pagitan ng isang US Airways flight attendant, at Army Ranger First Sergeant Albert Marle, sa redeye flight mula Portland, Oregon, papuntang Charlotte, kahapon.
Paupo na sa eroplano si Sergeant Marle, nang tinanong niya ang flight attendant kung pwedeng ilagay sa hanger ang kanyang “Dress Blues” jacket, para hindi ito malukot. Tumanggi ang flight attendant, na sinabing ayon sa company policy, ang closet ay para lang sa mga first class passengers.
May ilang mga first class passengers ang nakarinig dito – gaya ng Charlotte resident na si Cliff Autrey – na nag-volunteer na makipagpalit ng upuan kay Sergeant Marle. Pero tumanggi ang sundalo.
Natapos ang diskusyon, nang isa pang pasahero sa first class ang kumuha sa jacket ni Sergeant Marle, at sinabit ito sa likuran ng kanyang upuan.
Nagkagulo ang Internet sa mga comments, opinyon, at iba pang mga salitang naibato sa direksiyon ng US Airways at sa flight attendant.
Humingi ng paumanhin ang US Airways at ang parent company na American Airlines. Nagsasagawa na sila ng internal review para mabago ang kanilang company policy, at para maturuan ang kanilang staff sa kung paano iha-handle ang mga ganitong klaseng sitwasyon sa susunod.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH