Ano ang jigger fleas? Ito ay isang klaseng pulgas, na bumabaon nang napakalalim, at kailangang hiwain palabas mula sa katawan ng tao!
Kung kababalik niyo lang mula sa South America o Sub-Saharan Africa, at napansin niyo ang isang puting spot na may itim na dot sa gitna, sa inyong kamay o paa – mag-ingat po dahil maaring mga jigger fleas ito – mga pulgas, na pangkaraniwang parasites sa mga tropical areas na may tuyo at mainit na lupa at buhangin.
Ang mga jiggers ay maaring matagpuan sa mga beach, farms, at wooded areas sa mga bansang Uganda, Tanzania at Kenya – at ang mga locals na hindi nagsusuot ng sapatos ang pinaka-apektado sa mga ito.
Ang mga pulgas na ito ay mahilig sa mga hosts na may mainit na dugo, gaya ng mga tao at baka, kapag naka-expose ang kutis.
Pero habang ang mga lalaking pulgas ay lalayasan ang host matapos itong sumipsip ng dugo, ang mga babaeng pulgas ay binabaon ang kanilang sarili sa katawan ng host – at ang naiiwan lang sa labas ay ang dulo ng kanilang mga buntot.
Pagkatapos, makalipas ng isa hanggang dalawang linggo, ay mamamaga ang mga pulgas, na nag-i-incubate na pala ng mga itlog! Dahil dito, ay nagkakaroon ang mga host ng isang nakakairitang skin infection na tungiasis. Ang mga pulgas ay nangingitlog sa labas ng katawan ng host, at ang mga itlog ay nahuhulog bago sila makapag-hatch.
Sa mga extreme cases, ang kutis ng host ay nagiging flaky, at kakailanganin ang scalpel para mahiwang palabas ang jigger.
Ang masakit na sugat na ito ay makakaapekto sa araw-araw na gawain, gaya ng paglalakad.
Ang mga jiggers ay maari ring magbigay ng gangrene, tetanus at blood poisoning, na maaring ikamatay ng mga host.
An pag-fumigate ng mga apektadong lugar ay maaring makapatay sa mga pulgas na ito. At ang mga taong nakatira sa lugar na maraming pulgas ay dapat na magsuot ng sapatos.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH