Teenager na may cancer, nawalan ng trabaho mula sa isang restaurant, dahil hiniling niyang mag-leave ng anim na linggo, para sa surgery.
Sa tingin niyo ba ay salbahe ang inyong boss? Masama ba ang timpla ng araw niyo sa trabaho?
Well, magpasalamat kayo at ang boss ninyo ay hindi manager ng Rosebud Restaurant – at wala kayong brain cancer.
Ito si Jonathan Larson, isang 19-year-old na delivery driver, para sa Italian na kainan na ito, sa Chicago suburb ng Naperville.
Pero nawalan siya ng trabaho, matapos siyang pagsabihan ng kanyang manager na, “just leave,” matapos niyayng ipaliwanag sa manager na kailangan niyang mag-leave para sa cancer surgery!
Si Larson ay may bihira at aggressive na cancer (na tinawag na multifocal myxopapillary ependymoma) na inaatake ang kanyang utak at spine.
Matapos siyang dumaan sa iilang round ng radiation therapy, ay humina ang mga buto ni Larson, at nangangailangan siya ngayonnng spinal surgery.
Ang surgery at recovery time ay nasa anim na linggo, na siyang oras din kung saan hindi makakapagtrabaho si Larson.
Nang ipinaliwanag niya ito sa kanyang boss, ito ang natanggap na sagot ni Larson: “No. Pagdating ng oras na iyon ay may bago na akong driver. Umalis ka na lang, at marami pa akong kailangang tawagan.”
Nabalitaan ito ng mga tao, na nagsulat ng negatibong mensahe tungkol sa restaurant, sa review site na Yelp. Si Larson, na hindi na umaasang makakabalik sa kanyang trabaho, ay nainsulto at gusto lang na makatanggap ng apology.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH