Itong tula na ito ay para sa aking Diyos, pamilya, at bansa.
O aking bansang Pilipinas, kay ganda
Kahit anumang pagsubok ako ay handa
Kakayanin ko at ako'y magtatagumpay!
Ako'y isang Pilipino na may tiwala sa Diyos
Kaya ang aking pamamaraan ay laging maayos
Sa Diyos lang ako kakapit
Yayakapin ko sya ng mahigpit
Ako'y may isang marangal na pagkatao
Na hindi basta-basta lang magpapatalo
Salamat sa aking Diyos na tinutulungan nya akong maging isang tao na para sa Kanya. Salamat din sa pamilya ko na laging nandiyan.
Ako ay isang Pilipino na may puso
At mayroon akong Diyos sa aking puso
Sa Diyos lang ako magdarasal
Siya ang haring dapat ihalal
Purihin ang aking Diyos na nasa langit
Wala kang makikitang pagkapangit
Sana madalas na tayong mabait
Sana totoo ang lahat ng ating sinasabi
Na ang tula ito'y hindi galing sa aking labi
Ako si Obed Dela Cruz
At hindi ako susuko
Ipaglalaban ko ang tama
Pero ipapakita ko rin ang tama
Ipapamuhay ko ang katotohanan
At pupurihin ko ang aking Diyos.
Itong tulang ito
Ay hindi sa aking nguso
Kundi sa aking puso
Copyright © 2009 by Jochebed 'OBED' Dela Cruz
(To use this poem in a legal way, you could email me in princeobed_dc@yahoo.com but of course, you cannot own the poem because you will be violating the laws in information systems and copyright)
(July 20,2009; Marikina City)
Obed dela Cruz
http://www.poemhunter.com/poem/marangal-na-pilipino/