Roi Rosas - Back to Start

2014-11-08 1

Eto n nman tayo.
bumabalik sa simula, pabalik s katapusan.
ilang beses n ba? hind ko n mabilang.
hanggang kailan ba dapat mag paulit-ulit?
hanggang kailan bago mamanhid?
hanggang kailan bago mapagod at
mapugto ang hiningang bumibilis sa bawat sandaling nandyan ka.

nakakapagod na. ano ba? hndi n nakakatuwa?
sa ngayon., may bago na namang nagsisimula,
pero hanggang kailan?
ilang araw na nman ang bibilangin bago bumalik sa simula?
ilang masasayang araw pa ang kaylangang lumipas,
masasayang sandaling mararanasan,
bago ka magising sa katotohanang nananaginip ka na nman..

ang daming tanong,
ang daming araw ng paghihintay,
paano mag-aantay sa isang bagay na wala nmang kasiguruhan?
paano ka makokompleto, kung hindi mo alam kung ano ang kulang?

Roi Rosas

http://www.poemhunter.com/poem/back-to-start/