MELVIN BANGGOLLAY - KUMUSTA KAIBIGAN (MARY WISMER)

2014-11-07 25

Kumusta kaibigan sa ngayong panahon
Sana ika'y malakas sa bawat dapithapon
Kahit na kung minsa'y ika'y piit ngayon
ng kalagayang Dios lang ang makakatugon

Huwag ka sanang mawalan ng loob at pag-asa
Na balang araw sakit mo'y sadyang mawala
Pagkat ang Dios nati'y talagang humahanga
Sa mga katulad mong nananalig sa kanya.

At kung sakali mang di dumating ang tugon
Sa aking dalangin na sana'y ika'y i-ahon
Ng Dios Ama sa pighating nadarama mo ngayon
Iyo sanang tangapin ito'y kalooban ng Puon.

Ngunit habang ika'y may lakas pa rin at sigla
Huwag kang bibitiw sa hangarin mo sa madla
Na magbigay ng inspirasyon sa yong mga kanta
at tulang nakakatulong sa nawawalan ng pag-asa.

Remember what I keep on proclaiming to you
No retreat, no surrender just I sometimes do
Even trials may come bellowing like tornado
Hold on with God even in times of sorrow
For those who can stay will forever grow,
be filled in the spirit as God will bestow
His grace of healing and salvation to you.

MELVIN BANGGOLLAY

http://www.poemhunter.com/poem/kumusta-kaibigan-mary-wismer/